I'm back.
Welcome back for me.
Ilang buwan din po ba akong nawawala..did you miss me?!
Well, I'm back alone..yess. Makiuso ba!
Eh mukhang uso na yata talaga ang single. Minsan tama nga talaga sila na ang relasyon daw sa tulad natin eh bibihira lang nagtatagal. Challenging maybe yes..but true. Between us I think ako 'yong taga Makati..as in literal na Ma-Ka-Ti.
Well proud to say na between our relationship hindi ako nakisiping sa iba or even texting someone else that I like. I refuse to give out my number para hindi lang pag-umpisahan ng away.
Ma-ka-ti in a way na I'm no longer happy sa relationship namin. Tanga ako..oo. Yan ang lagi kong sinasabi sa kanya..tanga lang ang mang-iiwan sayo during the time na langgam pa ang nakapaligid samen. Until now, tanga ang mang-iiwan sa kanya and I'm one of those.
Lahat ng hahanapin mo sa kanya..katangian na ng taong mahal at minahal ko. Matalino, magaling, pinakilala ako sa family niya at tanggap ako..kame, stick to one, lahat ng gusto mo sa kanya mo lang mahahanap.
Pero...
Tama nga kayo..sila.
Mahirap turuan ang puso.
Mahirap tu-ru-an ang puso.
Enough na siguro..Im getting bitter and uglier. Galit lang talaga siguro ako sa sarili ko dahil ang tanga tanga ko, dahil iniwan ko siya na kung saan labis na nagmamahal saken at wala na akong hahanapin pa, pero somehow naisip ko rin. Hindi rin naman siguro maling sundin kong saan ka masaya?
Stop!
Red light na..basta ang masasabi ko lang. Kaw, sayo..
Maraming maraming salamat sa tulong mo. Marami akong natutunan sayo, kaw nagdala saken sa mga lugar na nuon pangarap ko lang..sana sa future na lang kita nakilala. Para pag nagkita tayo handa na ako. Marami na akong karanasan. Dahil nung tayo pa..hilaw pa ako.
Ikaw ang una ko kaya marami pa akong kakaining bigas. Utak ko puro barkada at gala pa. Immature pa talaga ako para sayo at labis labis ang paghihirap at pagtitiis mo saken. Patawad!
Enough na nga!
Huhuliin na ako ni manong MMDA.
Basta maraming maraming salamat. I pray na in time magiging friend kita.